PATAKARAN SA PRIVACY

1. Introduksyon at Pangkalahatang Impormasyon

Ang GG.BET (tinutukoy din bilang "Website") ay pinamamahalaan ng River Entetainment B.V. (mula rito ay tinutukoy bilang "River Entetainment B.V.", "Kompanya", "amin/aming", "kami/kaming", "namin/naming"). Lahat ng serbisyo sa pagsusugal ay lisensyado ng River Entertainment B.V.

Ang Kompanya ay nakatuon sa pinakamataas na pamantayan ng pagprotekta at paggalang sa iyong privacy kapag ginagamit mo ang Website at ang mga serbisyong aming ibinibigay sa pamamagitan nito.

Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy na ito kung paano namin kinokolekta, pinoproseso, at tinitiyak ang seguridad ng iyong data.

Ang mga data controller para sa Website ay ang ASG 360 Services Limited na nai-incorporate sa ilalim ng mga batas ng Republic of Cyprus, ang rehistradong address ay Voukourestiou, 25, Neptune House, 1st floor, Flat/Office 11 Zakaki, 3045, Limassol, Cyprus and River Entertainment B.V. na nakarehistro sa ilalim ng mga batas ng Curacao, ang rehistradong address ay Korporaalweg 10, Willemstad, Curaсao.

Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito, puwede mong kontakin ang aming Data Protection Officer sa [email protected].

Para sa anumang iba pang request, huwag mag-atubiling kontakin ang aming Customer Support sa [email protected]

2. Anong mga uri ng data ang aming kinokolekta?

Nangongolekta kami ng iba't ibang uri ng data kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin at ginagamit ang aming mga serbisyo. Kadalasan, ang data ay direktang ibinibigay mo – halimbawa kapag nagparehistro ka sa unang pagkakataon. Kabilang sa iba pang sitwasyon ang mga third party o available na pampublikong source na nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa iyo.

Impormasyong ibinibigay mo sa amin:

  • Pangalan, email address, numero ng telepono o mobile phone, postal address, petsa ng kapanganakan at kasarian;
  • Mga dokumento na nire-require para matupad ang aming mga obligasyon sa ilalim ng lehislasyon ng AML/CFT tulad ng mga photo mo at ng iyong mga dokumento at patunay ng address, iba pang sapat na ebidensya (para mapatunayan ang iyong pagkatao);
  • Impormasyong pinansyal – gumagamit ang Website ng SSL encryption na nagsisiguro ng pagiging kumpidensyal ng iyong impormasyon sa pag-transmit ng data. Ang mga operasyon sa pagbabayad ay ganap na isinasagawa sa pamamagitan ng secure na server ng payment gateway. Gayunpaman, maaari naming i-store ang iyong history ng pagdeposito at pag-withdraw at ang limitadong impormasyon sa pagbabayad (halimbawa, ang huling apat na digit ng iyong credit card, bank issuer, atbp.);
  • Mga detalye sa pag-login, na kinabibilangan ng password at username.

Habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo:

  • Impormasyon tungkol sa kung paano ka nakikipag-ugnayan at gumagamit ng mga produktong available sa Website;
  • Mga komunikasyon sa aming mga tauhan, halimbawa, mga tawag, email at mensahe sa pamamagitan ng aming live chat;
  • Data tungkol sa iyong lokasyon, impormasyon sa traffic, IP address;
  • Operating system at platform ng mga device na ginamit mo para bisitahin ang Website, uri at bersyon ng browser, wika ng browser, setting ng time zone;
  • Impormasyon sa marketing na nagsasaad kung gusto mong makatanggap ng mga advertisement sa marketing mula sa amin o sa aming mga partner;
  • Maaari rin naming ma-access ang mga pampublikong record na ginawa mo, halimbawa, ang social media.

Maaari naming gamitin ang Naka-aggregate na data, halimbawa ang statistical o demographic na data para sa pag-test, pananaliksik, analytics, pag-develop, at mga layunin sa pagpapabuti ng Website. Ang ganitong data ay maaaring hango sa data na ibinigay mo sa amin, gayunpaman, ang nasabing data ay pinananatiling naka-anonymize, kaya hindi pinapayagan ang sinuman na makilala ka at bilang resulta, ang naturang data ay hindi itinuturing na personal. Ginagamit ang data na ito halimbawa para makita kung gaano karaming mga user na may partikular na edad ang gumagamit ng isang partikular na feature sa Website.

Sa ilang pambihirang pagkakataon, kung magpasya kang magsagawa ng eklusyon ng sarali sa paggamit ng mga serbisyo sa Website, ipagkakaloob namin sa iyo ang karapatan na ito at tutuparin ang naturang request. Ang ganitong data ay hindi itinuturing na data na may kaugnayan sa kalusugan.

Impormasyon tungkol sa responsableng pagsusugal: impormasyong maaaring magpahiwatig ng potensyal na problema sa pagsusugal o pinsalang may kaugnayan sa pagsusugal, kabilang ang status ng ekslusyon ng sarili, mga record ng programa sa responsableng pagsusugal, mga limitasyon na itinakda ng manlalaro, at mga indikasyon ng pag-uugali na mga pabigla-bigla o mapaminsalang gawi sa pagsusugal.

Impormasyon sa AML/CTF, mga sanction, krimeng pinansyal: impormasyon na may kaugnayan sa mga kriminal na hatol, mga umano'y pagkakasala, kahina-hinalang aktibidad, indikasyon ng pandaraya, kinita mula sa krimen, resulta ng pag-screen ng mga sanksyon at iba pang impormasyong nire-require para sa AML/CTF, mga sanksyon, pag-iwas sa pandaraya at pagsunod sa mga batas tungkol sa krimeng pinansyal.

3. Paano namin ginagamit ang mga nakalap na data?

Ang pagkolekta ng mga nabanggit na data ay mahalaga para maibigay sa iyo ang aming mga serbisyo. Ang hindi pagbibigay ng personal na data na nire-require ng batas o kontrata ay magdudulot ng hindi pagkakasundo sa iyo at hindi mo magagamit ang aming mga serbisyo. Bukod pa rito, ginagamit ang ilang data para i-personalize at mapabuti ang paggamit ng aming mga serbisyo at makipag-ugnayan sa iyo paminsan-minsan nang may mahahalagang impormasyon. Hindi ka obligado na ibigay sa amin ang personal na data na ito.

Hinihiling sa amin ng lehislasyon na tukuyin ang legal na batayan kung paano namin pinoproseso ang data na aming nakuha mula sa iyo. Walang pinag-isang paraan para ilarawan ang legal na batayan ng aming pagproseso, kaya't ang mga ito ay nahahati sa sumusunod na subseksyon.

Una, kinakailangan naming isagawa ang kontrata kasama ka.  Sa paggamit ng Website, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin at Kondisyon at iba pang Patakaran (sama-samang tinutukoy bilang "Mga Tuntunin"), na isang kontratang nagtatakda ng ating mga karapatan at obligasyon sa isa't isa habang ginagamit ang Website.

  • Nakaasa kami sa kontrata para irehistro ang account mo at magbigay sa iyo ng mga serbisyo sa pagbe-bet at pagsusugal, iba pang aktibidad o online na nilalaman;
  • Paminsan-minsan, maaaring kailanganin mong i-reset ang password, makatanggap ng mensahe tungkol sa serbisyo ng pag-maintain o notipikasyon tungkol sa pag-update ng Mga Tuntunin o iba pang sitwasyon na aming ikinakategorya bilang "Mga layunin sa pangangasiwa ng Website";
  • Para maproseso ang mga transaksyon mo.

Pangalawa, ang pagsusugal at pagbe-bet ay isang aktibidad na mahigpit na kinokontrol kaya naman, obligado kaming sundin ang mga  legal na obligasyon na itinakda para sa mga provider ng mga regulator at iba pang awtoridad.  Para matupad ang mga obligasyong iyon, nakaasa kami sa data na nakuha namin mula sa iyo.

Halimbawa, kasama rito ang:

  • Para matiyak na naaalok namin ang aming mga serbisyo sa mga eligible na tao (halimbawa, higit sa 18 taong gulang, na hindi nagsasagawa ng eksklusyon ng sarili mula sa mga aktibidad sa pagsusugal/pagbe-bet, na nagmula sa lokasyon kung saan may karapatan kaming magbigay ng aming mga serbisyo sa ilalim ng lisensyang ipinagkaloob sa amin, atbp.);
  • Pag-detect, pag-iwas, at pag-uusig sa krimen (ito ang dahilan kung bakit may mga partikular na pamamaraan sa beripikasyon at obligado kang sundin ang mga ito);
  • Para ma-verify ang pagkakakilanlan mo at matukoy ang pinagmumulan ng pondo sa anumang transaksyon (kinakailangan naming pigilan ang paggamit ng aming mga serbisyo para sa mga layunin ng money laundering at iba pang kriminal na aktibidad);
  • Paa magsagawa ng mga naaangkop na pag-check laban sa pandaraya;
  • Para masuri at ma-manage ang anumang potensyal na panganib at maiwasan ang problema sa pagsusugal.

Bilang karagdagan, para sa sensitibo at legal na kinokontrol na data, pinoproseso namin ang data tungkol sa iyo para sa mga sumusunod na layunin at legal na batayan:

Layunin

Deskripsyon

Legal na batayan

Responsableng pagsusugal at proteksyon ng manlalaro

Maaari naming iproseso ang impormasyong nagpapahiwatig ng potensyal na problema sa pagsusugal o pinsalang may kaugnayan sa pagsusugal. Maaaring kabilang dito ang status ng eksklusyon ng sarili, mga record ng programa ng responsableng pagsusugal, limitasyon ng manlalaro, at indikasyon ng pag-uugali ng pabigla-bigla o mapaminsalang gawi sa pagsusugal.

Pagsunod sa mga naaangkop na batas sa pagsusugal at panregulasyong requirement. Kung ang impormasyon ay itinuturing na data na may kaugnayan sa kalusugan, pinoproseso lang namin ito kung saan pinahihintulutan ng naaangkop na batas para sa sapat na interes ng publiko, proteksyon ng manlalaro o mga katulad na layuning panregulasyon.

AML/CTF, mga sanksyon at pag-iwas sa krimeng pinansyal

Maaari naming iproseso ang impormasyong may kaugnayan sa mga kriminal na hatol, umano'y pagkakasala, kahina-hinalang aktibidad, indikasyon ng pandaraya, kinita mula sa krimen, resulta ng pag-screen ng mga sanksyon at iba pang impormasyong nire-require para sa AML/CTF, sanksyon, pag-iwas sa pandaraya at pagsunod sa mga batas tungkol sa krimeng pinansyal.

Pagsunod sa mga naaangkop na batas sa AML/CTF, sanksyon, pag-iwas sa pandaraya at pagsusugal. Ang data ng mga kriminal na hatol at pagkakasala ay pinoproseso lang kung saan pinahihintulutan ng naaangkop na batas.

Pangatlo, mayroon kaming lehitimong interes sa pagproseso gaya ng nakasaad sa ibaba. Hindi namin ipoproseso ang anumang data kung ang aming mga interes ay nao-override ng iyong mga karapatan, kalayaan o interes. Kabilang dito ang mga sumusunod:

a. Para mapabuti ang aming mga serbisyo at produkto

  • Para mapadali ang paggamit mo ng Website;
  • Para sa pag-tetst ng mga bagong produkto o pag-upgrade ng mga kasalukuyan;
  • Para ma-analyze ang pagiging epektibo ng aming mga hakbang sa marketing.

b. Para gawing personal ang karanasan mo

  • Halimbawa, maaari naming gamitin ang history ng mga game na nilaro mo para magbigay ng mga naka-personalize na rekomendasyon ng mga game na maaaring magustuhan mo;
  • O puwede kaming kumuha ng data ng geolocation para maibigay sa iyo ang mga serbisyo sa iyong katutubong wika, kung kaya namin itong gawin;

c. Para ma-detect at maiwasan ang paglabag sa aming Mga Tuntunin.

d. Para lang makontak ka

  • Para matugunan ang mga isyu, maaaring may oras ka paminsan-minsan habang ginagamit ang Website sa pamamagitan ng email, live chat, o phone;
  • Paminsan-minsan, maaari kang imbitahan na sagutan ang isang survey tungkol sa iyong karanasan sa Website. Ang mga ganitong aktibidad ay hindi sapilitan at maaari mong tanggihan ang request. Ang ganitong pagtanggi ay hindi makakaapekto sa anumang paraan sa kakayahan mong gamitin ang Website.

Pang-apat, sa ilalim ng iyong tahasang pagsang-ayon.

Kung sumang-ayon kang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga alok at balita tungkol sa aming mga produkto sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ng komunikasyon, tulad ng email, SMS, phone, atbp., ise-send namin sa iyo ang mga kaugnay na impormasyon.

Puwede mong bawiin ang iyong pagsang-ayon anumang oras sa pamamagitan ng phone o sa pamamagitan ng pagsulat. Puwede kang mag-opt out sa mga komunikasyon sa marketing anumang oras sa pamamagitan ng pagkontak sa aming customer support team o sa pamamagitan ng pagsunod sa mga instrukyon sa "Mag-opt out" na kasama sa anumang komunikasyon sa marketing na maaaring natanggap mo mula sa amin. Kung mag-opt out ka, hindi ka na makakatanggap ng anumang karagdagang material sa marketing. Para mag-opt out sa pagtanggap ng mga push notification, i-disable lang ang mga push notification sa mga setting ng device mo.

4. Kung kanino namin ibinabahagi ang iyong personal na data

Sa panahon ng negosyo, kinakailangan naming ibahagi ang data kasama ang iyong personal na data sa mga third party. Sa mga ganitong pagkakataon, tinitiyak namin na ang mga naturang third party ay may sapat na level ng proteksyon at seguridad ng data at ang mga eligible na level ng pangangalaga ay ginagamit sa panahon ng pag-transfer.

May karapatan kaming ibahagi ang iyong personal na data sa mga third party, kabilang pero hindi limitado sa pulisya, mga bangko, financial integrity unit, provider ng verification system para sa address at ID, provider ng serbisyo sa pagbabayad, at iba pang institusyong pinansyal para sa mga layunin ng anti-money laundering, pag-iwas sa krimen at/o pagkontrol. Bukod pa rito, nakalaan sa amin ang karapatan na i-disclose ang iyong personal na data sa mga kaugnay na third party, tulad ng mga regulator, financial integrity unit, lalo na kung mayroon kaming makatwirang batayan para maghinala ng mga iregularidad na kinasasangkutan ng account mo.

Maaari naming ibahagi ang iyong data para sa mga regular na layunin ng operasyon, tulad ng mga serbisyo sa pagbabayad, bangko, tool sa komunikasyon ng customer, tool sa pag-verify ng ID, supplier ng game, atbp.;

Maaari naming ibahagi ang iyong impormasyon sa mga third party na entity tulad ng mga kompanya ng transportasyon o iba pang entity kung saan kami nagkaroon ng kooperasyon sa aming mga promosyonal na aktibidad kung saan ka lumahok para mai-deliver sa iyo ang mga panalo o premyo;

Maaari naming ibahagi ang iyong impormasyon kapag kinakailangan naming itatag, gamitin o ipagtanggol ang aming mga legal na karapatan;

Kapag kami ay inutusan ng regulatory body o awtorisadong awtoridad;

Kasama ang mga external na auditor na maaaring magsagawa ng mga independiyenteng pagche-check bilang bahagi ng aming mga accreditation;

Sa third party na entity kung sakaling ibenta o i-transfer namin (o pumasok sa proseso ng negosasyon) ang aming negosyo o alinman sa aming mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng anumang kasunduan na maaaring mayroon kami sa iyo. Kung matuloy ang pag-transfer o pagbebenta, puwedeng gamitin ng organisasyong tatanggap ng iyong personal na data ang iyong personal na data sa parehong paraan na gaya namin;

Sa sinumang iba pang kahalili na may hawak ng titulo sa aming negosyo.

5. Paano namin ini-store at kailan namin tina-transfer ang iyong personal na data

Ini-store namin ang aming data sa loob ng European Economic Area (“EEA”). Gayunpaman, ang ilan sa aming partner na nagbibigay sa amin ng mga serbisyong mahalaga sa aming kakayahang mag-alok sa iyo ng aming mga produkto sa pagsusugal/pagbe-bet, halimbawa ang software, serbisyo sa pagbabangko at pagbabayad, atbp. ay maaaring ma-locate sa hindi sakop ng EEA.

Tinitiyak namin na may mga naaangkop na kontrol sa kontrata sa anumang third party na tumutulong sa amin na iproseso ang iyong data, na nagsisiguro na ang mga karapatan mo ay pinapanatili at ang iyong data ay secure. Nakaasa kami sa mga sumusunod na pamamaraan para sa pag-transfer ng personal na data sa labas ng EEA:

  • Tina-transfer namin ang personal na data sa third country kapag napagpasyahan ng European Commission na tinitiyak ng naturang third country ang sapat na level ng proteksyon. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang opisyal na website ng European Commission;
  • Kung saan gumagamit kami ng mga service provider na hindi napapailalim sa isang adequacy mechanism, sisiguraduhin naming ilalapat ang mga karagdagang pangangalaga at hakbang kung kinakailangan, kabilang ang pagsasama ng mga partikular na kontratang inaprubahan ng European Commission. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang opisyal na website ng European Commission.

Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa partikular na mekanismong ginagamit namin kapag nagta-transfer ng iyong personal na data sa labas ng EEA, pakikontak kami.

6. Gaano katagal namin itatago ang iyong personal na data?

Ang personal na data mo ay karaniwang sini-store sa loob ng anim (6) na taon simula sa petsa ng pagsasara ng iyong account at pag-terminate ng iyong kontrata sa GG.BET, maliban na lang kung may mas maikling panahon ng pag-retain na naaangkop sa isang partikular na kategorya ng data o kung kinakailangan o pinahihintulutan ng naaangkop na batas ang mas mahabang panahon ng pag-retain.

Ang anim (6) na taong panahon ng pag-retain na ito ay batay sa: i) aming mga legal na obligasyon sa ilalim ng lehislasyon laban sa money laundering at counter-terrorist financing (AML/CTF), na karaniwang nangangailangan sa amin na i-retain ang data ng pagkakakilanlan, data ng beripikasyon at data na may kaugnayan sa mga transaksyon mo nang hindi bababa sa limang (5) taon; ii) naaangkop na mga panahon ng limitasyon, kung saan maaaring simulan ang mga legal na paglilitis; at iii) ang pag-iwas sa inuulit-ulit o paulit-ulit na pagpaparehistro at ang proteksyon ng Website, GG.BET at ng mga user nito laban sa pandaraya, pang-aabuso at paglabag sa aming Mga Tuntunin.

Ang personal na data na pinoproseso batay sa pahintulot mo, kabilang ang ilang partikular na data sa marketing, ay isi-store hanggang sa bawiin mo ang iyong pahintulot, maliban na lang kung mayroon kaming ibang legal na batayan para i-retain ang naturang data. Maaaring i-store ang ilang teknikal at kaugnay na data sa cookie para sa mga panahong inilarawan sa aming Patakaran sa Cookie o mga setting ng cookie.

Para sa data na naproseso para sa responsableng pagsusugal, AML/CTF, mga sanksyon, pag-iwas sa pandaraya at mga layunin sa pagsunod sa krimen sa pinansyal, ire-retain lang namin ito hangga't kinakailangan ng naaangkop na batas at mga requirement sa panregulasyon na pag-retain.

Pagkatapos mag-expire ang kaugnay na panahon ng pag-retain, ang iyong personal na data ay ide-delete, ia-anonymize, o secure na paghihigpitan mula sa karagdagang paggamit, maliban kung ang karagdagang pag-retain ay kinakailangan o pinahihintulutan ng naaangkop na batas, isang may kakayahang awtoridad, isang patuloy na imbestigasyon, o isang legal na hindi pagkakasunduan.

Kung ang panahon ng pag-retain ay pinalawig ng karagdagang legal na obligasyon (halimbawa, isang utos o direktiba ng isang may kakayahang awtoridad), bibigyan ka ng karagdagang abiso.

7. Seguridad ng data

Nakatuon kami sa pagprotekta sa data na ipinagkatiwala sa amin. Gumagamit kami ng lahat ng makatwirang hakbang para matiyak na ang lahat ng impormasyong nakalap habang ginagamit mo ang Website ay secure na pinangangasiwaan at naaayon sa Patakaran na ito at sa naaangkop na lehislasyon sa larangan.

Ang pag-access sa sensitibo at legal na kinokontrol na data ay limitado sa mga awtorisadong tauhan, system, at service provider na may lehitimong pangangailangang i-access ito para sa responsableng pagsusugal, AML/CTF, pag-screen ng mga sanksyon, pag-iwas sa pandaraya, seguridad, o iba pang naaangkop na legal at panregulasyon na layunin. Gumagamit kami ng mga naaangkop na teknikal at organisasyonal na hakbang para protektahan ang naturang data laban sa hindi awtorisadong pag-access, pag-disclose, pag-alter, o pagkawala.

8. Mga karapatan mo

Alinsunod sa naaangkop na lehislasyon, may karapatan kang gamitin ang mga partikular na karapatan kaugnay ng iyong personal na impormasyon. Puwede mong gamitin ang bawat isa sa mga karapatan na ito sa pamamagitan ng pagkontak sa aming DPO o Customer Service sa pamamagitan ng pagpapangalan sa karapatang gusto mong gamitin at sa pamamagitan ng pagsasabi ng dahilan para sa naturang request, kung naaangkop.

1) Karapatang mag-access

May karapatan kang malaman kung pinoproseso ba namin ang personal na data tungkol sa iyo, at kumuha ng kopya ng naturang data kung talagang pinoproseso namin ito. Pakitandaan na pinoproseso namin ang iba't ibang uri ng data at ang pag-disclose ng naturang data sa taong hindi nagmamay-ari ng naturang data ay maaaring magdulot ng pinsala sa isang subject ng data. Kaya naman maaaring i-require kang magbigay ng karagdagang patunay para matukoy namin ang taong nagre-request.

2) Karapatang i-rectify ang impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo

May karapatan kang i-request na baguhin ang impormasyong hawak namin tungkol sa iyo kung ang data ay mali o hindi na up to date. Halimbawa, nagpakasal ka at binago ang iyong apelyido, o nagbago ang iyong tirahan.

3) Karapatang i-delete ang data na hawak namin tungkol sa iyo (“Karapatang makalimutan”)

May karapatan kang i-request sa amin na i-delete ang data na hawak namin tungkol sa iyo kung walang mabuting dahilan para patuloy namin itong iproseso.

Ang karapatan na ito ay hindi absolute, dahil mayroon kaming mga legal na obligasyon i-retain ang personal na impormasyon ng mga user para sa mga layuning laban sa money laundering, pag-iwas sa krimen, atbp. Kung hindi namin masusunod ang request mo, ipapaalam namin ito sa iyo.

4) Karapatan na paghigpitan ang pagproseso

Maaari mong i-request sa amin na ihinto ang pagproseso ng data para sa partikular na layunin o sa kabuuan. Isi-store pa rin namin ang iyong data, pero hindi namin ito gagamitin para sa aming mga partikular na layunin, kung mayroon kang makatwirang dahilan para i-request ito. Tandaan na ang karapatan na ito ay hindi absolute at sa ilang sitwasyon ay maaaring tanggihan ang request mo.

5) Karapatan sa portability ng data

Bibigyan ka namin ng kopya ng data sa anyong madaling maunawaan, para magamit mo ang naturang impormasyon para sa iyong mga layunin. Maaaring kailanganin namin ng karagdagang beripikasyon mula sa taong nagsasagawa ng naturang request dahil sa mga dahilang inilarawan sa itaas.

6) Karapatan na tumutol

Maaari kang tumutol sa aming pagproseso ng iyong personal na data para sa mga layunin sa marketing, o iba pang sitwasyon kung saan naniniwala kang wala kaming legal na batayan para iproseso ang impormasyon.

7) Karapatan na bawiin ang pahintulot

Kung nakaasa kami sa pahintulot mo para iproseso ang iyong data, may karapatan kang bawiin ang naturang pahintulot anumang oras. Para bawiin ang pahintulot mo, pakikontak ang aming customer support team o sundin ang mga instrukyon sa "Mag-opt out" na kasama sa anumang komunikasyon sa marketing na maaaring natanggap mo mula sa amin.

9. Patakaran sa Cookie

Ang mga cookie ay maliliit na text file na naglalaman ng impormasyon na dina-download at sini-store sa iyong device kapag binisita mo ang Website. Ginagamit ang mga ito ng karamihan ng mga website para mapabuti ang karanasan mo at para matiyak na ang mga function ng website ay naihahatid at nagagamit sa mas epektibong paraan.

Ang mga cookie ay maaaring magsagawa ng iba't ibang function. Ang ilan ay may kaugnayan sa sesyon, dina-download ang mga ito sa panahong ginagamit mo ang isang partikular na site. Nagbibigay-daan ang mga ito sa iyo na mag-navigate sa pagitan ng mga page nang mas mahusay, at hinahayaan ang website na matandaan ang mga pagpiling ginawa mo. Ang iba ay mga constant cookie na naka-store sa iyong device at hinahayaan ang website na maalala ka bilang isang bumabalik na bisita.

Gumagamit ang aming Website ng mga cookie para matukoy kung paano ka gumagamit ng Website at mapabuti ang karanasan mo habang ginagawa ito; mangolekta at magbahagi ng data para sa mga layunin ng pag-detect ng pandaraya at mga layunin ng anti-money laundering; para matukoy ang mga iregularidad na konektado sa device at maiwasan ang pag-access sa account mula sa ibang device.

Sumasang-ayon ka na maaari kaming, paminsan-minsan, maglagay ng mga cookie sa iyong device para i-save ang ilang impormasyon (halimbawa, pangalan, teknikal na impormasyon ng password, IP address) para makilala ka bilang user.

Maaari mong amyendahan ang mga setting ng iyong browser para i-block ang ilan o lahat ng cookie. Para magawa ito, bisitahin ang seksyon ng Mga Setting ng browser mo at sundin ang mga instruksyon nito. Ang pag-block sa ilang cookie ay maaaring maging dahilan para hindi mo magamit ang ilan sa function ng Website.

Gumagamit ang Website ng mga sumusunod na cookie:

_locale

Naaalala ang wika na gusto mo

gfrcoid

Humahawak sa pangalan ng sesyon ng kasalukuyang sesyon

_auth

Cookie na ginagamit para ma-check na awtorisado ang user

paseto

Humahawak sa security token

_ga*,gid

Para sa mga cookie ng Google analytics, puwede kang mag-opt out sa paggamit ng mga cookie na ito sa pamamagitan ng pag-click sa link na http://tools.google.com/dlpage/gaoptout at pagsunod sa mga instruksyon

Gumagamit kami ng mga third-party cookie (tulad ng Google Analytics) para makakuha ng impormasyon tungkol sa pakikipag-ugnayan ng user sa Website para mapaunlad at mapabuti ang karanasan ng customer at makapagbigay ng mga na-optimize na serbisyo

Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga cookie sa allaboutcookies.org.

10. Ang karapatan na maghain ng reklamo

Kung naniniwala kang hindi namin nahawakan nang maayos ang iyong data, puwedeng kang magreklamo sa aming Data Protection Officer sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected].

Kung hindi ka nasiyahan sa tugon o naniniwala kang pinoproseso namin ang data mo nang hindi naaayon sa naaangkop na lehislasyon, may karapatan kang maghain ng reklamo sa isang awtoridad na nangangasiwa, lalo na sa bansang iyong tinitirhan, lugar ng trabaho o ng isang umano'y paglabag. Hinihiling namin sa inyo na subukang lutasin muna ang anumang mga isyu na maaaring mayroon kayo sa amin (kahit na, gaya ng nakasaad sa itaas, may karapatan kayong makipag-ugnayan sa karampatang regulator anumang oras).

11. Mga Pagbabago sa Patakaran

Maaari naming amyendaha ang Patakaran sa Privacy na ito paminsan-minsan para maipakita ang mga pagbabago sa lehislasyon o sa aming mga kasanayan sa pag-asikaso sa impormasyon mo.

Ang pinakabagong bersyon ay palaging available sa website na may Petsa ng Pagkabisa ng naturang Patakaran. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga pagbabagong ginawa ng mga naturang update, dapat mong ihinto ang pagsusumite ng impormasyon at gamitin ang aming mga serbisyo sa anumang paraan. Kung patuloy mong gagamitin ang Website, ituturing itong pagtanggap sa mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy.

Kung may mga malalaking pagbabago, aabisuhan ka sa pamamagitan ng email o iba pang paraan ng komunikasyon.

PETSA Hunyo 26, 2026